Spring na ulit!

Unti-unting umiinit ang panahon kaya naman dumadami muli ang mga tao sa labasan. Muling nabuhay ang mga damo at namumulaklak ang mga halaman kaya ang harap ng aming bahay ay buhay na naman sa kulay. Ang karurukan ng pamumulaklak ay sa buwan ng Mayo pa pero may ilan na namumulaklak na din sa simula pa lang ng spring tulad ng Hyacinth at Periwinkle namin (nasa larawan).

Ang ayoko lang sa spring ay ang pollen na nangagaling sa mga puno tulad ng oak. May allergies ako sa ganitong mga uri ng pollen kaya kapag hindi ko naunahan ng antihistamine ay laging sumasama ang aking pakiramdam sa panahong ito lalong-lalo na sa kasagsagan ng spring. Hindi din nakakatulong na may tatlo kaming malalaking puno na malakas magbagsak ng pollen. Ayoko din namang putulin ang mga ito dahil pagdating naman ng summer, ang laking ginhawa ang binibigay ng mga dahon nito.

Ganunpaman, kahit na may allergies, masaya din ang buong pamilya dahil tapos na ang taglamig na kung minsan ay mistulang naka-tanikala ang mga bata sa loob ng bahay. Ngayon nakakapaglaro na sila hanggang magsawa sa labas. Kapag spring, hindi lang ang mga halaman ang buhay na buhay!šŸ™‚