Binili ko kamakailan ang aklat na “Deus Caritas Est” (Ang Diyos ay Pag-Ibig).  Hindi ito karaniwang aklat tungkol sa teolohiya dahil ito’y isang “encyclical“, ang una ni Pope Benedict XVI. Sinimulan niya itong isulat nuong 2005 at ipinahayag sa buong simbahan nuong Enero 25, 2006 (oo, medyo huli na nga tayo).  Libre ang encyclical na ito sa internet ngunit upang mapag-aralan ng mabuti, mas madali pa din ang may hawak na aklat.

Deus Caritas Est

Upang lubos na maunawaan ang mga nilalamang kaisipan sa isang librong tulad nito, kinakailangang basahin ito ng paulit-ulit. Nasa unang pasada pa lamang ako ng pagbabasa pero may mga magagandang kaisipan na agad akong napulot. Isa na dito ay tungkol sa kautusan na mahalin ang kapwa:

“Conversely, …  the “commandment” of love is only possible because it is more than a requirement. Love can be “commanded” because it has first been given.” (Deus Caritas Est, Sec 14)

Ipinaliwanag niya ang kaisipang ito na nagtapos sa:

“No longer is it a question, then, of a “commandment” imposed from without and calling for the impossible, but rather of a freely-bestowed experience of love from within, a love which by its very nature must then be shared with others. Love grows through love. ” (Deus Caritas Est, Sec. 18)

Sa madaling salita, ang pagmamahal sa kapwa ay hindi na isang kautusan ngunit isang bagay na umuusbong mula sa pagmamahal na naranasan natin dahil una na tayong minahal ng Diyos.  Hindi na ito marahil bago sa atin ngunit ang kanyang pagpapaliwanag sa bagay na ito ay malalim ngunit madaling maintindihan.   Bumalik sa aking alaala ang isang awit nuong tayo ay bata pa.  Mababaw ng konti ng teolohiya pero may katotohanan din:

Love is something that you give away
give away, give away.
Love is something that you give away
and it comes right back to you.

Hindi masyadong tumpak ang awit dahil parang kapag binigay mo ang pagmamahal ay panandalian muna itong mawawala at babalik din.  Ang totoo niyan ay hindi tayo nauubusan ng pagmamahal dahil sa bawat sandali na nagbahagi tayo ng pagmamahal, muli tayong pinupuno nito ng ating Diyos.