Chocolate Hills, Bohol

Sa ikalawang araw namin sa Panglao (Bohol), plano sana namin na puntahan ang mga dolphins at mag-snorkel.  Kaso, naging maalon ang dagat nuong umagang iyon kaya hindi na namin tinuloy.  Minabuti na lang namin na mamasyal sa mga tourist spots sa Bohol.  Madali naman kaming naka-arkila ng sasakyan, isang Nissan Urvan, sa labas ng resort.  Hindi na namin kinuha ang package na binibigay ng resort dahil mahal at hindi naman namin plano na puntahan lahat.  Bukod duon ay alam na ng driver ang mga lugar na dapat puntahan kaya parang may tourist guide na din kami.

Chocolate Hills.  Ang una naming destinasyon ay ang bantog na Chocholate Hills ng Bohol. Ito na ang aming inuna dahil siya ang pinaka-malayo:  kulang-kulang isang oras din ang aming biyahe bago kami nakarating sa observation hill.  Walang elevator paakyat sa tuktok ng burol na ito kaya kinailangan naming gamitin ang hagdanan.  Buti na lang at may mga pahingahan at upuan kada 20 ~ 30 na hakbang.  Sulit naman ang pagod pagdating sa taas dahil makikita ang lahat ng mga burol na bumMan-made Forestubuo sa Chocolate Hills.  Sayang at hindi na tag-init kaya hindi ito kulay tsokolate pero kamangha-mangha pa din na pagmasdan at isipin na ito ay gawang kalikasan.

Man-Made Forest. Pagkatapos pagmasdan ang gawang kalikasan sa  Chocholate Hills, pinuntahan namin sunod ang Man-Made Forest sa Bilar.  Sinimulan pala ito nuong 1960’s nang ang presidente pa ay si Diosdado Macapagal, ang ama ng kasalukuyang reyna… este, presidente :)  Ngayon ang tataas na ng mga puno at talagang isang gubat na.  Bakit kaya hindi pa nila ginawa ito sa madaming lugar sa Pilipinas?Ilog Loboc

Loboc River Cruise.  Para sa tanghalian, lahat ay nagpupunta sa ilog ng Loboc upang kumain sa mga balsang-kainan dito.  PHP300 lang kada-tao ang buffet kaya pwede na. Masarap naman ang pagkain at may nag-gigitara pa habang kami ay kumakain at  nilalakbay ng aming balsa ang Ilog Loboc.  Sa kalagitnaan ay huminto kami upang panoorin ang folk entertainment sa pangpang ng ilog. Kumakanta sila ng mga awiting Pilipino (Bisaya pa ang ilan) at sumasayaw ng mga katutubong sayaw gaya ng tinikling.

Tarsier sa BoholTarsier. Hindi kumpleto ang pagdalaw sa Bohol kapag hindi nakakita ng Tarsier kaya pinuntahan din namin ito.  Nakakalungkot nga lang na hindi namin ito nakita sa kanyang natural habitat. Ganunpaman, masaya na din kami at nakita namin ang pinaka-maliit na unggoy. Natuwa nga ang mga bata at hindi nila makalimutan ang mga Tarsier.

Baclayon Church. Ang huli naming dinalaw (bago mamili ng mga pasalubong) ay ang Simbahan ng Baclayon. Ginawa nuong 1596, ito ang pinaka-matandang simbahan sa Bohol. Ang simbahan ay gawa sa coral stone.   Kung tutuusin bawal na sa ating panahon ngayon ang pag-gamit sa mga bagay na ginamit nila nuon para itayo ang simbahan na ito – coral at kahoy ng narra. Hindi na namin pinuntahan ang museo pero sapat na sa amin ang makita at pumasok sa simbahan.

Madami pang lugar sa Bohol ang hindi namin napuntahan.  Siguro sa aming pagbabalik na lamang. Wala pa naman kaming plano ngayon pero dahil maganda ang aming karanasan sa Bohol, hindi kami magaatubiling bumalik dito.

Chocolate Hills, Bohol - Panoramic