Nagpaayos kami kamakailan ng aming bahay sa isang Pilipinong contractor.  Hindi naman malakihan ang trabaho: pinalagyan namin ng bagong aparador ang isang puwang sa aming basement na hindi nagagamit at pinalagyan namin ng crown molding, trims at recessed lights ang aming living room.  Napag-sangayunan na namin sa simula pa lang na babayaran lang namin ang kanilang trabaho at kami na ang bibili ng mga kasangkapan na kakailanganin.

Matapos ang isang linggo, hindi pa siya tapos ngunit hindi naman kami nag-alala dahil sinabi naman niya na dalawang linggo bago ito matapos.  Laking gulat na lang namin nang dumating siya na may dalawa pang kasama at madalian nilang tinapos ang trabaho.  3/4 lang ang binigay na bayad ng aking asawa dahil hindi pa niya tinapos lagyan ng casing ang mga ilawan.  Hindi din namin nagustuhan na hindi na nila binigyang panahon na ayusin ang kanilang pagkakagawa.

Isa lang ang dahilan kung bakit magmamadali ang isang contractor – may nakuha siyang bagong trabaho.  Iyan ang lagi naming karanasan sa mga  contractors na kinukuha namin at madalas kami pa ang nag-aayos ng kanilang gawa.  Wala ba talagang pagkakaiba ang mga contractors? O talagang totoo ang kasabihan na “You Get What You Paid For”?