“Pasko na naman, O kay tulin ng araw”… oo kahit lampas na ang Disyembre 25 ay hindi pa din tapos ang pagdiriwang ng Pasko.  Ang mga Pilipino, lalo na kapag nasa Pilipinas, ay hindi tinatapos ang pagdiriwang hanggang Bagong Taon o di kaya’y hanggang sa pista ng Tatlong Hari.

Kahit paano mo man ipinagdiwang ang Pasko ngayong taon na ito, nawa’y ito ay naging maligaya at ipinagdarasal ko na manatili ang kaligayahan at ang kapayapaan (sa ating mga sarili at sa mundo)  sa bagong taon na darating.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!